Ang mga manggagawang pilipino ay nagiging biuktima ng pang-aabuso at pagsasamantala ng mga kapitalista at prodyuser. Kahit alam natin kung gaano sila kahalaga sa ekonomiya, hindi lahat ng kanilang pangangailangan ay naipagkakaloob ng pamahalaan mga kapitalista at prodyuser. Sa maikling salita napapabayaan ang ating mga manggagawa. Kaya sa ganitong sitwasyon, humahanap ang mga manggagawa ng matatakbuhan at mahihingan ng tulong.
UNYON SA MGA MANGGAGAWA
Sa mga sandali na kailangan ng mga manggagawa ang tulong at sa oras ng kagipitan, ang mga manggagawa ay humihingi ng suporta at tulong sa unyon.
UNYON
Ang unyon ay isang organisasyon na tumatangkilik at nagbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa > Ito ang nakikipaglaban sa mga karapatan ng mga manggagawa at nagsisilbing tagapamagitan sa pagitan ng pangasiwaan at manggagawa.
LABOR UNION
Pinakamalawak dahil maaari nitong sakupin ang dalawang uri ng unyon .Ito ay samahan ng mga manggagawa sa isang kopanya na suportado ng may ari nito.
MGA LAYUNIN NG UNYON
1. Tamang oras ng paggawa at malinis na pasilidad.
2. Magkaroon ng makatarungang sahod at ibang benepisyo.
3. Pagkalooban ng suporta ang mga kasapi.
marielle parang kung ano lng ang nakalagay sa book eh yun lang din ang pinopost mo.. :(
TumugonBurahin